Leomar Palorma - Bakit ba ganyan?

Leomar Palorma - Bakit ba ganyan?

Hindi mo alam kung saan tutungo.. br Didiretso....kakanan...o liliko? br Sadyang nagdudulot ng pagkalito br Sa isipan ninuman.. maging sa puso br br Maraming daan ang pagpipilian br May masukal, masikip, malubak at patag rin naman br Ngunit hindi alam ang kahahantungan br Kung sa dulo ba ay may ligaya o kalungkutan? br br Ganito marahil talaga kung ikaw ay nagmamahal br May mga bagay ka rin na dapat isugal br Kahit hindi alam kung kailan magtatagal br Ang mga pasakit at pagpapagal br br Kailangan lang na hindi ka agad sumuko br Upang pangarap na minimithi ay maabot mo br Dito masusukat ang katatagan ng ng isang tao br Upang patuloy na mabuhay sa mundo.


User: PoemHunter.com

Views: 1

Uploaded: 2014-11-10

Duration: 01:10