Hiling na interim release ni FPRRD, 'di pinagbigyan ng ICC Appeals Chamber (Nov. 28, 2025) | 24 Oras

Hiling na interim release ni FPRRD, 'di pinagbigyan ng ICC Appeals Chamber (Nov. 28, 2025) | 24 Oras

Unanimous ang desisyon ng International Criminal Court Appeals Chamber nang katigan nito ang naunang pagbasura ng Pre-Trial Chamber sa hiling na interim release ni dating pangulong Rodrigo Duterte. 'Di sila nakumbinsi ng tatlong grounds or argumento ng kampo ni Duterte.br br br Kaya sa ngayon ay mananatili pa ring nakapiit si Duterte sa The Hague habang patuloy na dinidinig ang reklamong crimes against humanity laban sa kanya, kaugnay ng umano'y extrajudicial killings drug war ng kanyang administrasyon. Tinanggap naman ng pamilya Duterte ang desisyon ng Appeals Chamber. Malungkot at napahagulgol naman ang ilan sa mga taga-suporta ng dating pangulo. Emosyonal din ang mga kaanak ng EJK victims sa itinuturing nilang tagumpay.br br br 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM.


User: GMA Integrated News

Views: 30

Uploaded: 2025-11-28

Duration: 19:04