Kung hindi niyo pa ginagamit ang phone finder function ng " />
Kung hindi niyo pa ginagamit ang phone finder function ng " />

 

Pulis, naligtas ang biktima ng aksidente, gamit ang "Find My iPhone" app!

By : TomoNews PH

Published On: 2015-04-14

5 Views

00:57

Pulis, nahanap ang biktima ng isang aksidente, sa pamamagitan ng “Find My iPhone” app!

Kung hindi niyo pa ginagamit ang phone finder function ng inyong mga cell phones, maaring magbago ang isip niyo matapos niyong mapanood ang video na ito.

Si Melissa Vasquez ay nagmamaneho sa Mount Hamilton roadway sa San Jose, nang nawalan siya ng kontrol – nahulog ang kanyang kotse nang 1,500 yards, nag-flip, at siya ay napatalsik mula sa kotse. Hindi siya makagalaw para maligtas ang kanyang sarili.

Ini-report siyang nawawala ng kanyang mga magulang, at naipadala ng OnStar navigation sa kanyang kotse ang mga rescuers sa dalawang magkaibang locations, na malayo sa kung saan siya nakahiga sa tabi ng kanyang napabaligtad na sasakyan.

Naisipan ng police officer na si David Cameron na gamitin ang iPad ni Vasquez para hanapin ang babae…nahulaan niya ang password sa ikatlong pagsubok. Gamit ang Find My iPhone app, nalaman niya ang location ni Melissa.

Siya ay na-airlift at naligtas, labing-siyam na oras matapos siyang maaksidente; nasaktan ang kanyang hita at abdomen, pero wala na sa panganib ang kanyang buhay.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Trending Videos - 4 June, 2024

RELATED VIDEOS

Recent Search - June 4, 2024