Lalaking pasahero, nagwala sa eroplano; na-delay ang flight ng anim na oras!

Lalaking pasahero, nagwala sa eroplano; na-delay ang flight ng anim na oras!

Lalaking pasahero, nagwala sa eroplano; na-delay ang flight ng anim na oras!br br br br Isang commercial jetliner mula Tokyo papuntang New York ang na-divert papuntang Anchorage, Alaska, noong Lunes -- matapos magwala sa eroplano ang isang pasahero, na kinailangang itali ng mga flight attendant sa kanyang upuan. br br Si Nobuya Michael Ochinero ay nanggugulo na diumano mula nang sumakay ito sa All Nippon Airways Flight 10. Nagsisigaw daw ito, dumudura sa sahig, at tinatamaan ang likod ng upuan ng ibang mga pasahero. br br Sinubukan syang patahimikin ng mga flight attendants, pero hindi sila umubra. Sa tulong ng dalawang pasahero, ay napaupo nila si Ochiner hanggang sa nakapag-landing na ang eroplano. br br Kinailangang mag-landing ang eroplano sa Alaska, imbes na sa New York, dahil kay Ochinero, na inaresto ng federal agents at police officers pagdating na pagdating nila sa airport. br br Matapos magpa-gas, nagpatuloy ang eroplano papuntang New York, kung saan sila ay nakapag-landing, anim na oras matapos ang kanilang original na schedule. Walang crew members o pasahero ang nasaktan sa insidente.


User: TomoNews PH

Views: 8

Uploaded: 2015-04-14

Duration: 01:00