Katakot-Takot na Kurakot - Part 9 (KMJS Special Report) | Kapuso Mo, Jessica Soho

Katakot-Takot na Kurakot - Part 9 (KMJS Special Report) | Kapuso Mo, Jessica Soho

MGA KUWESTIYONABLE UMANONG PROYEKTO NG MGA ‘CONG-TRACTOR’ O MGA KONGRESISTANG CONTRACTOR, SINILIP AT INIMBESTIGAHAN NG #KMJSbr br Ang Department of Justice o DOJ, balak paimbestigahan at kasuhan ang nasa 12 hanggang 15 sa mga pinangalanang “cong-tractor”— o ‘yung mga… Congressman na kontratista pa kahit ito’y ipinagbabawal sa batas.br br Ang ilan sa mga naiulat na kuwestiyonableng proyekto ng mga binansagang cong-tractor, sinilip at inimbestigahan ng #KMJS Special Reports Team!br br Samantala, nagpasa na ang Kongreso ng panibagong budget para naman sa susunod na taon. Ang kabuuang halaga nito— mahigit 6.7 trillion pesos!br br Nakapanayam ni Jessica Soho ang isa sa labindalawang mambabatas ang kumontra rito. Ang isa sa pinakamalakas na boses sa oposisyon, ang abogado at kinatawan ng Akbayan Partylist na si Chel Diokno.br br Ang Part 8 ng 'Katakot-takot na Kurakot' sa pagpapatuloy ng KMJS Special Reports, panoorin sa video na ito. #KMJSbr br UPDATE: Nitong Lunes, October 20, nagbigay ng pahayag ang DPWH Pampanga 3rd District Engineering Office. Ayon sa kanila, hindi nila sakop ang dam at irrigation project sa Abacan River sa Brgy. Suclaban, at dalawa pang flood control projects ng A.D. Gonzales Jr. Construction and Trading Co. Inc sa Pampanga. Ang mga proyektong nasasakupan ng DPWH Pampanga 3rd DEO ay mula sa 1st Congressional District ng probinsya gaya ng Angeles City, Mabalacat City, at Magalang.br br Nitong Martes ng hapon, muling nagpadala ng pahayag ang kampo ni dating Congressman AD Gonzales bilang tugon sa kapitan na si Brgy. Captain Terence Sampang Napao na nagkaso sa kanya. Base sa desisyon ng Ombudsman, wala raw sapat na ebidensiya na nag-uugnay kay Gonzales sa kompanyang A.D. Gonzales Jr. Construction and Trading Co., Inc, na ayon sa kanyang kampo ay patunay din na walang pagmamay-ari, koneksyon o partisipasyon si Gonzales sa naturang construction company. Dagdag ng Ombudsman, sinabi na rin ng complainant na nag-divest na si AD Gonzales sa kumpanya bago pa ang bidding ng proyekto.br br Nagpadala rin ng pahayag nitong Lunes, October 20 ang kampo ni dating Congressman Vicente “Ching” Sofronio Veloso III. Hindi raw sila konektado sa sinasabing Farm to Market Road sa lugar. Ayon kay Veloso, hindi niya sakop ang ginagawang kalsada na nasa unang distrito ng Leyte. Si Veloso ay naging Kongresista ng Third District ng Leyte mula 2016-2022.br br Hindi niya itinangging binili niya ang mga lupa na nasa paligid ng FMR sa Barangay San Roque bagamat hindi nagkomento kung murang presyo niya ito nakuha dahil sa iba na raw ang market value nito ngayon. Mariin din niyang itinanggi na may kinamkam siyang lupa sa bayan ng San Roque, lalo’t ang lupa na tinutukoy ng nakapanayam ng KMJS na si Erlinda Bermudo ay nasa bayan ng San Miguel at wala sa Barangay San Roque, Tacloban City. Naresolba na raw ang isyung ito ng DARAB Central Office ng Department of Agrarian Reform taong 2004 na pumabor sa kampo nila Veloso.


User: GMA Public Affairs

Views: 23

Uploaded: 2025-10-23

Duration: 30:07

Your Page Title